Sunday, February 25, 2007

Chad: Marino


Dalawang araw na ang nakakalipas, pero masakit pa rin … doon.

Si Chad ay isang maglalayag. Taunan kung siya’y mawala. Napupunta sa malalayong lugar, napapadpad sa iba’t ibang daungan.

Mga tatlong beses na rin siyang napapalaot mula ng magsimula ang aming kakaibang ugnayan. At nitong huli, napapansin kong medyo nagbabago na rin, kahit papano, ang kanyang pananaw.

Di kagaya noong una ko siyang ginapang ...

Lasing siya noon. Nakahilatang grasya sa aking kama. Sino ba naman ako para tumanggi? Pero sa totoo lang, nakakatakot. Wala ng mas barako pa sa kanya. Siya ang tipong pag binangga mo sa basketball, bugbog sarado ang aabutin mo. Pasimple pa yun.

Pero marupok akong tunay. Mahirap kalabanin ang nag-uumalpas na libog. At mula pa sa simula, para sa akin, mas barako, mas masarap.

Wala akong masyadong pasakalye nung gabing yun. Dahil alam kong tunay siyang lalaki, batid kong wala akong aasahang pa-romantic effect na me halikan at bolahan. Baka nga mabigwasan pa ako!

Kaya iisa lang ang itinatak kong ang misyon - ang matikman ang kanyang ari.

At swerte, di naman ako nabigo. Mula sa pagdukot hanggang sa pagsubo ko ng kanyang titi, wala akong narinig. Kahit nung tinanggal ko ng tuluyan ang lahat ng kanyang suot para lalo ko siyang magalugad.

Medyo hindi masyadong maganda ang kanyang mga itlog. Malalaki pero lawlaw. Siguro, laspag sa kagagamit ng mga bayarang diwata sa mga pantalan.

Pero wala akong reklamo sa kanyang tarugo. Me kahabaan ito at mabilog. At matigas! Ibig sabihin, nararamdaman din niya ang sarap ng ginagawa ko.

Matagal na nilaro ng kamay ko’t labi ang kanyang sandata – sa puno, sa gilid, sa itlog, pero di ko maramdaman ang paglapit ng kanyang sukdulan.

“Hindi lalabasan yan. Sa babae lang yan sumasabog”, pabulong niyang sagot sa nababasa niyang tanong sa mukha ko.

Insulto kung tutuusin sa akin yun. Ako kasi ang taong masaya na kapag labasan ang partner. Kahit hindi na ako.

Pero sumasakit na ang panga ko, wala pa rin. Pinalipas ko pa ilang pagpipilit, hanggang sa tuluyan na akong sumuko.

Upuan ko na lang kaya ‘to?”, pahayag kong me bahagyang pagkayamot.

“Ginagawa mo ba yun? Ganun ka na nga ba talaga?” Alam kong marami pa siyang tanong pero pinaramdam kong wala aking balak magpaliwanag. Tumayo ako’t humagilap ng condom.

Masakit ang magpasok ng bagay sa butas na hindi itinadhana dito, pero pagtagal, me sarap na rin itong taglay. Kapag nasa sukdulan ka ng libog, nagmamanhid ka rin sa hapdi, at ang mararamdaman mo na lang ang ay mga sari-saring sensasyon ng pagniniig.

Kinabayo ko sya habang siya’y nakahilata lang. Paminsan-minsan, lumalaban siya ng kadyot.

Pero me dagdag siyang pasakit sa akin.

Sa tuwing mapapalapit ang katawan ko sa mukha niya, babalikwas sya’t kakagatin ang aking braso. Malakas na kagat. Gigil na ngasab. Parang galit sa paglagpas ko sa linya ng aming pagkakaibigan.

Pero wala akong balak intindihin pa ang anumang nasa isip niya. Di ko maipaliwanag pero aaminin ko, nakadagdag ang kanyang pagkagat sa sarap na nararamdaman ko. Sabagay, nakainom ako. Kaya siguro di ko masyado ininda ang sakit na di ko na nawari kung saan nanggagaling. Ang pinakamahalaga sa akin sa oras na yun ang aming pag-iisa.

At kagaya ng tinuran niya, di yata talaga siya lalabasan. At hindi ko na rin kaya pang magtagal.

Nagpasya akong laruin na lang ang sarili ko at ako na lang ang magpalabas.

Balot ng tinanggal kong damit ko, iniluwa ng titi ko ang lahat ng naipon kong tamod. Lahat.

Medyo napahiya ako sa nangyari pero walang akong magawa. Di na talaga kaya ng katawan ko ang dagdag pang ulos at kagat.

Pagkalas ko sa kanya, tayong-tayong pa rin ang kanyang sandata. Tinanggalan ko ito ng balot at pinilit salsalin.

“Hayaan mo na ‘yan. Lalambot din yan mag-isa”. Di ko alam kung me halo bang inis ang kanyang tinuran. Pero di ko na rin alintana. Pagod na rin ako’t handa ng matulog.

* *

Halos replay ng nauna ang mga sumunod naming pagniniig. Nauulit ang bawat detalye.

Me naiba lang ng kaunti nung isang gabi. Una, wala na akong kagat sa braso – kagat na dating nag-iiwan ng pagkalamog na ilang linggo bago mabura. Pangalawa, me pasakalye na kami. Nahahalikan ko na siya sa labi at napapaigtad na rin siya kapag hinahalikan at dinidilaan ko ang kanyang buong katawan.

At higit sa lahat, me kung ano siyang isiniksik na dumagdag sa taba ng kanyang malaki ng titi. Hindi bulitas. Parang malaking kapsula.

“Yung hawakan yan ng toothbrush. Kinortehan namin at ipinasok diyan. Lahat kami sa barko me ganyan. Alam mo na, walang magawa sa laot. At para na rin mas masarapan ang mga foreigner na babae”.

Haay. Sabagay, di ko rin naman sigurado kung paano ko siya tatanggapin. Di ko ikakailang masarap siya nung ginagamit ko.

Yun nga lang, naramdaman ko ang hapdi pagkatapos ng lahat. Hanggang ngayon. Ang problema, sabi niya, dito siya sa bahay matutulog mamya.

2 comments:

darkangelgel said...

anung nangyari? anung nangyari sa sleep over?????

ps. i like your new format! :)

Petra Pan said...

Hi Angel,

Sori, medyo naging busy. Kumusta kami? Hmm. Ok lang naman so far. Napapadalas ang sleep over, he he.