Monday, February 5, 2007

Ilakan # 1: Lance ... Ang Pagkikita

Nagkita na kami uli ni Lance.

Maaga pa siyang nag-text kanina. “Kuya, punta me dyan sa yo. Asan ka?”

“Nasa bhay lang,” excited kong sagot. Hmm. Matagal-tagal ko rin siyang di nasisilayan.

“D2 na ko sa labas,” text nya pagkalipas ng ilang oras. Nye! Akala ko sa gabi pa siya darating.

No choice. Labas ako. Andun sya, medyo umitim lalo.. me tiyan ng konti. Di bagay sa maliit niyang pangangatawan. Pero gwapo pa rin.

“Konsehal!”, nakangiting sabi ko -- sabay survey sa buong kapaligiran. Di nya kasama ang asungot niyang misis! Hmm…

Napangiti lang siya.

Umaatikabong kwentuhan ang sumunod. Siyempre, di papipigil sa pag-tsansing ang Petra. Palihim na yakap dito, haplos dun, yakap uli.

“Kuya, pahiram naman ng konting pamasahe. Nahihiya akong humingi ke Mommy”.

Nabigla ako. Wala sa budget ang usapang ito.

“Sige na”, sabay hawak sa aking bewang habang siya’y nasa me likod ko.

Nasa bahay kami. Andaming magiging saksi. Kaya iwas ako kunyari.

“Sige na.…”.

Ewan ko. Pero mahina talaga ako pag nilalambing.

“Talaga to. Alam namang mahirap ang buhay ngayon. Magkano ba yun?”

Nagpaalam agad siya pagkabigay ko ng kanyang hinihingi. Tama .. hingi. Hiram lang ang usapan pero alam kong di na babalik sa akin yun. Ang nakakainis, walang kapalit! Tinakam lang ako! Papano naman ako makakapaglandi e tanghaling tapat? Gising ang buong barangay!

“Kita na lang tayo pag-uwi mo sa atin”, makahulugan niyang turan habang sinasarado ko ang gate.

Mas lalo namang di na ako makakaporma pag doon.

Bwisit…

No comments: