Tuesday, January 30, 2007

Ang mga Ilakan

Sila ang mga kalalakihan ng aming kaharian. Sinanay sa tagisan ng lakas, talino at porma.

Depende na sa kanilang kapalaran kung sila’y magiging maharlika, ministro, pantas o pag minalas-malas, burrito pagdating ng araw.

Andyan lang sila sa paligid at karaniwang pinagnanasaan ng mga Estrellita. Me mga pagkakataong pumapayag silang makipagniig sa mga ito, pero walang umaamin at lumalantad, hanggat maaari. Patago lang kung makipagrelasyon. Pag sinwerte, yung ilang pagsasama ay nakakarating sa pagiging seryoso at kahit papano’y nagkakaroon ng bahid ng pagmamahalan.

Pero yung karamihan, halos di na rin mapag-iiba sa pakikipagtipan sa mga Burrito – dahil hindi man lantaran, batid na ginto rin ang habol nila.

1 comment:

MANDAYA MOORE: Ang bayot sa bukid said...

welcome my dear. wala bang ribbon cutting?