Monday, January 29, 2007

Ang Mga Burrito

Dito, sa kahariang kinasasadlakan ko, sila ang mga engkantong biniyayaan ng kagandahang lalaki. Tunay na mapanukso ang kanilang anyo sa mga mga kagaya kong Estrellita (o engkantong nagising sa pag-aakalang siya’y diwata). Alam ng mga Burrito ang kahinaan ng aming tribu.
Dahil di nabiyaan ng likas na yaman ang kanilang angkan, sa mga Estrellita sila kumukuha ng ikabubuhay.

Ilalahad ko dito ang ilan sa mga kwento ng aking pakikipagniig sa kanilang lipi.

No comments: