Tuesday, August 14, 2007

Hans: Talinghaga

Masaya ang naging inuman namin.

Napagkatuwaan kasi si Hans, isang bagong dating na seaman. Paano, laging nakabuntot ang asawa. At andaming ipinagbabawal!

Isang matinding bawal ang paninigarilyo. Me multa si Hans pag nahuli. Isang libo bawat stick!

Kaya ang loko, tumatakas! Ilang beses kaming nagkasabay sa CR at nahuli ko siya doong nagyoyosi. Pero pag nasa table, katabi ang misis, behave ang mokong.

Sa katuwaan, hinamon ko siyang ipakitang siya ang me pantalon sa bahay. Nung una, tatawa-tawa lang siya. Pero makulit ako. Di siya tinantanan. Napahiya siguro, kinuha niya ang sigarilyong inaabot ko.

Hagalpakan ang tropa sa tagumpay ko.

Ilang bote pa itinumba, uwian na. Dumerecho na ko sasakyan. Binuksan ko ang bintana bago magmaniobra palabas ng parking.

Nabigla ako, lumapit pala si Hans. Sabi, “O pare, uwi na ba? Ala man lang bang beso?”

Sabay halik sa pisngi ko.

Natahimik ako. Umalis din siya agad. Di ko na nakayang ihatid siya ng tingin.
Di ko alam kung nakita ng tropa ang nangyari. O di kaya ng asawa niya.

Ano nga ba ang ibig sabihin nun?

1 comment:

MANDAYA MOORE: Ang bayot sa bukid said...

malandi.

pero type ko yung linyang -- ihatid ko sya ng tingin. very dramatic!