Tuesday, May 8, 2007

Wanted!

Naka-paskil ang kanyang mukha sa dyaryo (Phil. Daily Inquirer) noong Sabado. Bahagi daw ng pwersa ng PNP na pinakalat bunga ng kaguluhan sa Bulacan.

Masyado siyang maamo para sa kanyang kanyang magulong propesyon. Hindi siya bagay dun.


Kaya ako’y nananawagan: kung sino man po ang nakakakilala sa mamang ito, ipabatid po ninyo sa akin kung paano siya makakadaupang palad. Ako’y kanyang nabighani sa unang tingin pa lang at nais kung makumpirma kung me batayan ang pintig ng aking puso.

Nais ko siyang alagaan, ilayo sa gulong kanyang kinasasadlakan. Igagapang, ipapangutang ang anumang kanyang gugustuhin.

Maging akin lamang siya.

3 comments:

Richard Lionheart said...

Tahnks for the visit
www.adventuresofalionheart.blogspot.com

Well, nice! Gwapo ba ng friend ko? Friend ba lang talaga? No... He's my special friend... Okey?

aries said...

di ko kinaya teh. naluha ako sa bawat salita at titik na iginuhit mo sa kanya at sa pag ibig mo sa kanya...

charing!!!

Marciano Paroy Jr. said...

I just wonder if something good came out of your panawagan?