Monday, March 12, 2007

Mark


Alam kong may mga paghahangad na nananatiling walang katuparan. May mga pangarap na malayong ipasok sa mundo ng katotohanan.

Tanggap ko na sa malayo ko lang nanaising makaniig si MarK. Sobrang layo na halos wala akong maaninag na mukha. Nakakatakot kasing sirain kung ano man ang meron kami ngayon.

Magkasabay kami sa gym kahapon. Nagkausap. Malakas ang kabog ng aking dibdib. Pero hindi halata. Sana.

“Sino mga kandidato mo sa eleksyon?”, tanong nya habang mahina lang ang padyak sa stationary bike.

“Si Chiz Escudero lang ang sigurado. Yung iba, pinag-iisipan ko pa.”

“Ikaw, ano party –list mo?”, ako naman ang nagtanong.

“Ano nga ba? Gabriela?”, seryoso niyang sagot?

“Ganun ba?”. Di ko alam kong tama bang ipagpatuloy ko ang takbo ng usapan.

“Ako, Ang Ladlad”. Wala siyang reaksyon, maliban sa isang impit na ngiti.

1 comment:

Anonymous said...

tyler: saya ng blog mo, kelangan ng pamunas bago simulang basahin. wet-ness ang dulot! bwahahaha i linked you up to mine.

turismoboi: nice blog hehehe