Thursday, March 29, 2007

Nasaan Si Mandaya?

Si Mandaya Moore ay kasapi ng aking konsehong pantas.

Tinitingala ko sya sa pedestal ng mga tala ng Shaparal. Isa syang inspirasyon, dahilan kung bakit ako naengganyong maglahad ng aking kwento sa mga pahinang ito.


Sinusundan ko ang kanyang buhay, nininilay ang mga karanasan. Sa kanya ako pumupulot ng mga batong aapakan ko sa pagtahak ng aking sariling landas.

Subalit biglang-bigla ...

NAWALA! NAGLAHO SI MANDAYA!

Walang paalam. Walang bakas...

Me nakita akong iniwan siyang mensahe kung saan. Tumigil na daw siya sa pagsusulat. Malas daw yata ito sa kanyang buhay pag-ibig.

Totoo ba ito?

Baka naman me dumukot sa kanya? Sino?

Si Kulot, para masolo siya? Si Jayson, dahil sa matinding selos? Sino?

Kung sino man ang me kinalaman sa kanyang paglaho, maawa na kayo. Palayain niyo na siya.

Mandaya ... kung nasaan ka man... magparamdam ka na.

3 comments:

Anonymous said...

ako din.....i'm sucH a big fan of mandaya...sinusubaybayan ko din siya....bakit nga siya nawala?.....MANDAYAAAAAAAAAA!!!! NASAN KAAAAAAA??????

AKO SI DODONG said...

isa din ako sa mga sumusubaybay sa kanya... ano daw ang mensahe? baka clue kung asan siya...

Petra Pan said...

Ito ang nakasulat sa chatbox ni Willi Pascual:

Wilfredo pascual, paalam. tumigil na ako sa pagsusulat. mukhang malas sa lovelife ang pagsusulat ko.babasin pa rin kita - Mandaya