Tuesday, July 17, 2007

Aliw

Na bad trip ako sa inumang kinapadparan ko. Jologs masyado yung isang tao. Ang ingay! Ang problema, birthday niya.

Kaya lumayas na lang ako. Sa totoo, mainit ang ulo ko dahil andun sana Kian. Bwisit kasi. Late na dumating. Di ko naman pwedeng hilahin dahil masyadong obvious.

So cruising na lang ang drama ko. Commonwealth.. Circle..Kalayaan..

Pansin ko agad sila pagliko sa kanto. Tatlo sila. Mga sampung metro ang pagitan. Tang-ina! Mga gwapo!

Dahan-dahan akong umusad sa kalye. Ang una, maputi. Medyo kulot. Tipo ko. Sumunod, maskulado. Medyo dark pero merong dating. Pangatlo, maputi din. Medyo mahaba ang buhok.

Napahinto ako sa unahan ng konti ng pangatlong mama. Dahan-dahan kong ibinaba ang bintana ng sasakyan.

“Anong meron dito?”

“Kayo po Sir. Bahala kayo kung ano gusto ninyong mangyari”.

“Kahit ano kaya mo?”

“Kahit ano po’ng ipagawa niyo.”

“Magkano?”

“Seven Hundred.”

“Saan? Di pwede sa bahay ko, e.”

“Kung gusto niyo Sir, dun na sa akin sa me Tandang Sora. Mag-isa lang naman ako.”

“Nye! Pwede ba yung ganun? Di ka naman killer?”

“Hindi Sir. Ihahatid niyo rin naman ako dito pagkatapos. Kailangan ko pa e.”

“Ganun ba? Sandali lang ha. Hanap lang ako ng lugar”.

Hindi ko pa pala kaya.

4 comments:

MANDAYA MOORE: Ang bayot sa bukid said...

at bakit di mo kaya? nagmamalinis ka na naman? hmmmp.

ching lang.

Marcus: Bading Down Under said...
This comment has been removed by the author.
Marcus: Bading Down Under said...

just wanted to say that you have a cute blog! That's all. :-)

Petra Pan said...

Mandy: Bigla ko lang naisip na ako pala ay isa pa ring dalagang Pilipina.

Chos!

Marcus: Thanks! That's all. :-)